Indiya

Ang Indiya (Hindi: भारत, tr. Bhārat; Ingles: India), opisyal na Republika ng Indiya, ay bansang matatagpuan sa Timog Asya. Hinahangganan ito ng Butan, Nepal, at Tsina sa hilaga, Banglades at Burma sa silangan, at Pakistan sa kanluran. Pinapalibutan naman ito ng Karagatang Indiyano sa timog, Look ng Bengala sa timog-silangan, at Dagat Arabo sa timog-kanluran. Ang teritoryong Kapuluang Andaman at Nicobar nito ay nagbabahagi ng hangganang maritimo sa Burma, Indonesya, at Taylandiya. Sumasaklaw ng lawak na 3,287,263 km2 at tinatahanan ng mahigit 1.425 bilyong tao, ito ang pinakamatao at ikapitong pinakamalaking bansa sa mundo. Ang kabisera nito ay Bagong Delhi at ang pinakamalaking lungsod nito ay Mumbai. Dumating ang taong moderno sa subkontinenteng Indiyano mula sa Aprika hindi lalampas 55,000 taon nang nakalipas. Ang kanilang mahabang pag-okupa, na sa una ay iba't ibang anyo ng pagbubukod bilang mangangaso-at-nagtitipon, ay ginawa ang rehiyon ng mataas ang pagkakaiba, pangalawa lamang sa Aprika sa dibersidad ng henetika ng tao. Lumitaw ang pirming pamumuhay sa subkontinente sa kanlurang gilid ng kuwenka ng ilog Indo noong 9,000 taong nakalipas at unti-unting umunlad sa Kabihasnan sa Lambak ng Indo noong ikatlong milenyo BCE. Pagsapit ng 1200 BCE, isang anyong arkaiko ng Sanskrito na wikang Indo-Eurpeo ay kumalat sa Indiya mula sa hilagang-kanluran na nailahad bilang himno ng Rigveda at nagtatala ng pagsibol ng Hinduismo sa lugar. Pinalitan ng mga wikang Drabido ang mga wika sa rehiyong hilaga't kanluran. Noong 400 BCE, nagkaroon ng pagbubukod ayon sa kasta at estratipikasyon sa Hinduismo, na naging isa sa mga dahilan sa pag-iral ng Budismo at Hainismo, dalawang relihiyon na parehong nagdedeklara ng mga kaayusang panlipunang di-nauugnay sa pagmamana. Ang mga unang konsolidasyong pampolitika ay nagbunga sa mga maluwag na Imperyong Maurya at Gupta na nakabase sa Kuwenka ng Ganges. Ang kanilang panahong kolektibo ay umapaw sa iba't-ibang sinasaklaw na pagkamalikhain, ngunit minarkahan din ng pagbaba ng katayuan ng mga kababaihan at pagsasama ng konseptong di-nasasaling (untouchability) sa isang sistemang organisado ng paniniwala. Nagluwas ang mga kahariang gitna sa Timog Indiya ng mga sistema ng pagsulat para sa mga wikang Drabido at mga kalinangang relihiyoso sa mga kaharian ng Timog-Silangang Asya. Nag-ugat ang Kristiyanismo, Islam, Hudaismo, at Soroastrismo sa timog at kanlurang baybayin ng Indiya noong unang panahong medyebal. Paulit-ulit na nilusob ng mga hukbong Musulman mula sa Gitnang Asya ay paulit-ulit na nilusob ang mga hilagang kapatagan ng lugar, at sa kalaunan ay itinatag ang Sultanato ng Delhi na humila sa hilagang India sa kosmopolitang Islamikong Panahong Ginto. Noong ika-15 dantaon, lumikha ang Imperyong Vijayanagara ng pangmatagalang pinagsama-samang kalinangang Hindu sa timog Indiya. Lumitaw ang Sihismo sa Punyab, na tinatanggihan ang relihiyong institusyonalisado. Nagpasimula ng dalawang dantaon ng kapayapaang relatibo ang Imperyong Mogol noong 1526, na umiwan ng pamana ng arkitekturang makinang. Sumunod dito ang pamumunong lumawak ng Kompanyang Britaniko ng Silangang Indiya na ginawa ang Indiya na isang ekonomiyang kolonyal, ngunit pinatatag din ang soberanya nito. Nagsimula ang pamamahala ng Koronang Britaniko noong 1858. Dahan-dahang ipinagkaloob ang mga karapatang ipinangako sa mga Indiyo, ngunit ipinakilala ang mga pagbabago sa teknolohiya na dala ng Himagsikang Industriyal, at nag-ugat ang mga ideya ng edukasyon, modernidad at pampublikong buhay. Lumitaw ang isang maimpluwensyang kilusang makabansa na pinangunahan ni Mahatma Gandhi na nakilala sa paglaban nitong walang dahas, at itinatagurian bilang ang pangunahing salik sa pagwawakas ng pamamahala ng Bretanya. Nakamit ng Indiya ang kasarinlan noong Agosto 15, 1947 at hinati ang Britanikong imperyong Indiyo sa dalawang dominyo, isang Hindung mayoryang Unyon ng India at isang Musulmang mayoryang Dominyo ng Pakistan, sa gitna ng malakihang pagkawala ng buhay at migrasyong walang uliran. Naging republikang pederal ang Indiya noong 1950, at binubuo ng 28 estado at walong teritoryo ng unyon na pinamamahalaan sa isang demokratikong sistemang parlamentaryo. Lumaki ang populasyon ng Indiya mula 361 milyon noong 1951 hanggang 1.211 bilyon noong 2011. Tumaas din ang nominal na kita ng bawat tao mula EU$64 taun-taon hanggang EU$1,498. Ganoon din ang nangyari sa karunungang bumasa't sumulat, na tumaas mula 16.6% hanggang 74%. Ginawa ng mga repormang pang-ekonomiya noong 1991 ang Indiya bilang isa sa mga pinakamabilis na ekonomiyang lumalago; noong 2017 ang ekonomiya nito ang naging ikatlong pinakamalaki sa mundo at ikaanim sa KDP nominal. Nagiging kanlungan ito para sa mga serbisyo sa teknolohiya't impormasyon, mayroon ng programang espasyal na kinabibilangan ang ilang nakaplano o natapos na misyong ekstraterestre, at gumaganap ng tumataas na papel ang mga Indiyong pelikula, musika, at turong espirituwal sa kalinangang pandaigdig. Nabawasang lubos ang antas ng kahirapan, bagama't ang naging kapalit nito'y pagtaas ng hindi pagkakapantay-pantay ng ekonomiya: noong 2016 ang pinakamayamang 10% ng populasyon ay nagmay-ari ng 55% ng kitang pambansa. Dumadanas parin ang bansa ng iba't-ibang mga suliraning sosyo-ekonomiko, iilan sa mga ito ay kawalan ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian, malnutrisyon sa kabataan, at tumataas na antas ng polusyon sa hangin. Simula noong kalagitnaan ng ika-20 dantaon ay nagkaroon ito ng pagtatalo ukol sa Katsemira sa mga kapitbahay nitong Pakistan at Tsina na hindi parin nalulutasan sa kasalukuyan. Isa ito sa sampung bansa na nagtataglay ng nukleyar na arsenal at isa sa limang bansang hindi lumalagda sa Tratado sa Non-Proliperasyon ng mga Sandatang Nukleyar dahil hindi pinapayagan ng mga kasalukuyang termino ng tratado na manatili ang mga sandatang atomiko sa bansa.


Developed by StudentB